Yellow alert itinaas sa Luzon grid

Inilagay ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang Luzon Grid sa yellow alert, Huwebes ng hapon.

Sa abiso ng NGCP, iiral ang yellow alert mula 4:00 ng hapon hanggang 10:00 ng gabi.

Sinabi ng NGCP na mayroong available capacity ang Luzon Grid na 10,870 megawatts habang may peak demand naman na 10,280 megawatts.

Samantala, tiniyak ng Department of Energy (DOE) na ang pagtataas ng Luzon Grid sa yellow alert ay hindi magdudulot ng rotational brownout.

Read more...