Palasyo, walang kinalaman sa pag-aresto sa ‘person of interest’ sa ‘Bikoy’ video – DOJ

Iginiit ni Justice Secretary Menardo Guevarra na walang kinalaman ang Palasyo ng Malakanyang sa imbestigasyon at pag-aresto sa isang ‘person of interest’ sa inilabas na “Ang Totoong Narcolist” video.

Sa isang press briefing, sinabi ni Guevarra na ang pag-aresto ay inisyatibo ng DOJ para mabigyang-linaw ang mga alegasyon ni alyas ‘Bikoy.’

Sa video, inilahad ng isang alyas ‘Bikoy’ ang pagkakasangkot umano ng ilang miyembro ng pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ilegal na transaksyon ng droga.

Ilan sa mga ito ay sina Presidential son at dating Davao City Vice Mayor Paolo Duterte, dating Special Assistant to the President (SAP) Christopher “Bong” Go at ang bunsong anak ng pangulo na si Veronica “Kitty” Duterte.

Mariin naman itong itinanggi ng mga kaanak ng punong ehekutibo.

Read more...