Konsehal, patay sa ambush sa Abra

Patay sa pamamaril ang isang konsehal sa Pilar, Abra Huwebes ng madaling-araw.

Kinilala ang biktimang si Feliciano Tobias, 58-anyos mula sa Barangay Kinabiti.

Natagpuang walang buhay si Tobias sa isang kalsada malapit sa kaniyang motorsiklo na may mga tama ng bala ng baril.

Si Tobias ay kilalang tagasuporta ni Nationalist People’s Coalition mayoral candidate Amor Trina Dait.

Ayon sa pulisya, siyam na basyo ng dalawang rifle ang narekober sa pinangyarihan ng krimen.

Matatandaang isinama ng Commission on Elections (Comelec) ang probinsya ng Abra sa “category red” na election hot spot para sa 2019 midterm elections.

Read more...