LOOK: 18 lugar, nakapagtala ng mataas na heat index ngayong Huwebes (May 2)

Sa kabila ng naranasang pag-ulan sa ilang parte ng bansa, naitala pa rin ang ‘dangerous level’ ng heat index sa 18 lugar, araw ng Huwebes (May 2).

Sa datos ng PAGASA, naitala ang pinakamataas na heat index sa Guiuan, Eastern Samar na may 50.8 degrees Celsius bandang 11:00 ng umaga.

Ang heat index ay ang init na nararamdaman ng katawan ng tao na kadalasang mas mataas sa air temperature.

Maituturing sa ‘dangerous level’ kung aabot ang heat index mula 41 hanggang 54 degrees Celsius.

Narito naman ang naramdamang heat index sa mga sumusunod na lugar:
– Alabat, Quezon (41.7 degrees Celsius)
– Ambulong, Batangas (46.2 degrees Celsius)
– Casiguran, Aurora (41.2 degrees Celsius)
– Cotabato City, Maguindanao (42 degrees Celsius)
– Cubi Pt., Subic Bay Olongapo City (42 degrees Celsius)
– Cuyo, Palawan (43.1 degrees Celsius)
– Daet, Camarines Norte (41 degrees Celsius)
– Dagupan City, Pangasinan (45.3 degrees Celsius)
– Dipolog, Zamboanga del Norte (42.3 degrees Celsius)
– El Salvador City, Misamis Oriental (42.8 degrees Celsius)
– Iba, Zambales (42 degrees Celsius)
– Masbate City, Masbate (41.2 degrees Celsius)
– NAIA Pasay City, Metro Manila (42.4)
– Roxas City, Capiz (45.1 degrees Celsius)
– San Jose City, Occidental Mindoro (42.6 degrees Celsius)
– Sangley Point, Cavite (44.3 degrees Celsius)
– Tuguegarao City, Cagayan (41.9 degrees Celsius)

Nagbabala naman ang PAGASA sa posibleng maranasang heat stroke bunsod ng matinding init ng panahaon.

Read more...