Figure of speech lamang ang tanong ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pulis at sundalo kung bakit hanggang ngayon ay buhay pa si datin police Col. Eduardo Acierto.
Si Acierto ay naunang naugnay sa pagpasok sa bansa ng shabu shipment na inilagay sa mga magnetic lifters na ipinuslit sa Bureu of Customs kamakailan.
Ang dating police colonel rin ang nag-akusa sa punong ehekutibo na nagbibigay proteksyon sa Chinese businessman Michael Yang na sangkot umano sa illegal na droga.
Ayon kay presidential spokesman Salvador Panelo, ang ibig sabihin lamang ng pahayag ng pangulo ay kung bakit hindi pa inaaresto ng mga pulis at sundalo si Acierto gayung may warrant of arrest at nasangkot sa illegal na droga at pagbebenta ng baril ng government security forces sa New People’s Army (NPA).
Sinabi pa ng Panelo na dapat nang masanay ang mga kagawad sa style ng pananalita ng pangulo.
Aminado si Panelo na hindi niya batid kung bakit nagpalabas ng P10 Million reward ang Office of the President para kay Acierto.
Una rito, sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na nag-alok ang office of the president ng sampung milyong pisong pabuya para sa sinumang makapagtuturo kay Acierto.