Naipadala na ng Philippine embassy sa Estados Unidos ang lahat ng ballot packets sa mga Filipino na rehistradong botante para sa overseas absentee voting.
Sa tweet, inanunsiyo ng embahada ang pagpapadala ng mga balota sa mga Pinoy.
Hinikayat naman nito ang mga botante na bumoto na bahagi ng kanilang karapatan bilang isang Filipino.
Sa kanilang advisory ay sinabi ng Philippine Embassy na makatutulong ito sa paghubog sa kinabukasan ng bansa.
Sa datos ng Commission on Elections (Comelec), hindi bababa sa 1.8 million ang bilang ng mga registradong overseas Filipino voters.
Karamihan sa nasabing bilang ay mula sa Middle East at Africa.
Maaaring bumoto ang mga registradong botante sa ibang bansa sa mga Embahada ng Pilipinas o konsulado.
Nagsimula ang overseas absentee voting noong April 13 at matatapos sa May 13.