Inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) ang hindi pinangalanang uploader na responsable sa pag-post ng mga serye ng video sa nag-uugnay sa pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa iligal na transaksyon ng droga.
Sa isang panayam, kinuwestiyon ni Lacson kung tama o legal ang pag-aresto.
Dahil base aniya sa Revised Penal Code, maituturing na legal ang pagkakaaresto kung boluntaryong nagpasalang sa preliminary investigation ang subject sa naturang kaso.
Ngunit kung wala aniyang legal na basehan ang pag-aresto, kinakailangang magpaliwanag ang Department of Justice (DOJ) at NBI.
Sinabi naman ni Lacson na hindi maikukunsiderang pang-aabuso ang pag-aresto dahil hindi pa alam ang naganap dito.
Kanina ay sinabi ni Justice Sec. Menardo Guevarra na inareto ang uploader ng “Bikoy” video na si Rodel Jayme base sa inilabas na arrest warrant ng Makati Regional Trial Court.
Bukod sa paglabag sa anti-cybercrime law ay may iba pang mga kaso na kakaharapin ang suspek lalo’t menor-de-edad ang bunsong anak ni Pangulong Rodrigo Duterte na isinangkot rin sa illegal drug trade.