Base sa House Bill 6360, lilikha ng Agricultural Pension Fund upang magbigay ng benepisyo sa mga agricultural workers, magsasaka at mangingisda.
Magsisilbing pangunahing implementing body ang Philippine Crop Insurance Corporation kung saan kabilang sa gagampanang tungkulin ang pagbuo ng pension plan na gagawing basehan para sa alokasyon ng benepisyo.
Ayon kay Garin, nananatiling pinakamahirap sa labor force ng Pilipinas ang mga magsasaka kaya marapat lang na suportahan sila ng gobyerno.
Naniniwala rin ang kongresista na ang mababang kita ang dahilan kaya kumakaunti ang bilang ng nagtatrabaho sa agriculture sector na nakakaapekto naman sa seguridad ng bansa.