Ayon kay Bertiz, hindi ligtas ang dating sites para makahanap ng mga “potential partners” dahil naging pugad na rin ito ng mga human traffickers at sexual predators para sa paghahanap ng mga bibiktimahin.
Nagiging popular anya ang mga dating sites sa mga OFWs para makahanap ng makakapareha pero hindi ng mga ito batid ang panganib na naghihintay sa kanila.
Inihalimbawa ni Bertiz ang nangyari sa tatlong Pilipinang nasawi sa Cyprus kung saan inamin ng 35-year old Army Captain ‘serial killer’ sa nasabing bansa na pitong mga babae kasama ang ilang bata ang kanyang pinatay.
Umamin din ang killer na gumagamit siya ng sikat na online dating site para makahanap ng kanyang mabibiktima.
Babala ng mambabatas sa mga kababaihang OFWs sa abroad na mag-ingat sa mga makikilala sa online at hanggat maaari ay iwasan ang mga ganitong social media sites.