Dating TV reporter at isa pa, patay sa pamamaril sa Cotabato

Patay ang isang dating reporter ng ABS-CBN Cotabato at ang isang driver ng “habal-habal” matapos tambangan sa Barangay Rosary Heights 4 sa Cotabato City.

Ayon kay Police Major Ramil Villagracia, Police Station 2 commander, ang biktima ay nakilalang sina Archad Ayao, 28 anyos at kasalukuyang bahagi ng Bangsamoro Regional Human Rights Commission (BRHRC); at ang habal habal driver na si Pio Orteza, 42 anyos ng Purok Dimasiray.

Sakay ng motorsiklo si Ayao ng motorsiklo na minamaneho ni Orteza nang sila ay tambangan habang binabagtas ang Don Ramon Rabago Avenue sa harap ng Cotabato City Engineering District Office, Miyerkules (May 1) ng gabi.

Kapwa nagtamo ng tama ng bala sa ulo ang dalawa at idineklarang dead on arrival.

Dalawang basyo ng bala ng baril ang nakuha sa crime scene.

Inaalam pa kung ano ang motibo sa pananambang.

Read more...