Magnitude ng lindol na tumama sa Occidental Mindoro itinaas sa 4.2 ng Phivolcs

Itinaas ng Phivolcs sa 4.2 ang magnitude ng lindol na tumama sa Rizal, Occidental Mindoro, Miyerkules (May 1) ng gabi.

Sa earthquake information number 2 ng Phivolcs na inilabas umaga ng Huwebes (May 1) sa halip na magnitude 4.0 na unang datos ay itinaas sa magnitude 4.2 ang pagyanig.

Naitala ang lindol alas 11:55 ng gabi sa layong 31 kilometers southwest ng bayan ng Rizal.

Mayroong naitalang Intensity IV sa Rizal, Occidental Mindoro; Intensity III sa San Jose at Calintaan, Occidental Mindoro at Intensity I sa Puerto Galera.

Read more...