Mahigit 1,000 jobseekers, hired on-the-spot sa Labor Day jobs fair sa Pampanga

Nasa 1,033 ang hired on-the-spot sa isinagawang Build Build Build – Trabaho, Negosyo, Kabuhayan (BBB TNK) Job Fair sa San Fernando Pampanga kahapon May 1, Labor Day.

Umabot sa 16,000 na ang mga dumating na aplikante sa lugar kung saan mayroong 186,261 na trabahong alok ang pamahalaan.

Maliban sa mga trabaho para sa Build Build Build projects ng gobyerno ay inialok din sa nasabign jobs fair ang iba’t ibang trabaho sa sa mahigit isanglibong pribadong kumpanya para sa loob at labas ng bansa.

Ang idinaos na job fair sa San Fernando, Pampanga ay isa lamang sa tatlumpu’t isang job fairs na inilunsad sa buong bansa sa Araw ng Paggawa.

Read more...