Mag-live in partner arestado sa buy-bust sa QC

Arestado ang mag-live in partner sa ikinasang buy-bust operation ng mga otoridad sa Quezon City.

Ikinasa ang operasyon sa Brgy. Batasan Hills target ang dati nang drug surrenderee na si alyas Jocelyn.

Positibong nakabili ang poseur buyer ng P300 na halaga ng shabu kay Jocelyn.

Maliban kay Jocelyn ay inaresto din ang kaniyang kinakasamang babae.

Nakuhanan ang dalawa ng mga sachet ng shabu at marijuana na tinatayang aabot sa mahigit P6,000 ang halaga.

Read more...