Ayon kay PAGASA forecaster Aldzcar Aurello kung magpapatuloy ang paglapit sa bansa ng nasabing LPA, inaasahang sa Sabado ay papasok na ito ng PAR.
Huling namataan ang LPA sa layong 2,540 kilometers East ng Southern Mindanao.
Sa ngayon ay wala pa itong epekto saanmang bahagi ng bansa dahil masyado pang malayo ang lokasyon nito.
Sinabi ni Aurello na posible ring mabuo bilang isang ganap na bagyo ang nasabing LPA.
Sa sandaling maging isang bagyo at tuluyang makapasok ng bansa ay papangalanan itong Nonoy.
MOST READ
LATEST STORIES