Maine Mendoza hindi nagbaba ng TF para maraming endorsements

Maine Mendoza Twitter photo

Itinanggi ng talent manager ni phenomenal star Maine Mendoza na nagbaba ang kanyang alaga ng talent fee para makakuha ng mas maraming endorsements.

Ayon kay Rams David, walang katotohanan ang balita na kaya marami pa ring endorsements si Maine ay dahil bagsak-presyo na ang TF nito.

Pahayag ito ng talent manager sa gitna ng mga batikos sa dalaga.

Katwiran ni David, bakit sila magbababa ng talent fee gayung ang mga bilihin ay tumataas ang presyo.

Maine Mendoza Twitter photo

Iginiit pa nito na isa si Maine sa highest taxpayers sa bansa pero hindi nila pwedeng sabihin kung magkano ang kinikita nito at binabayarang buwis.

Ayon sa manager, kaya marami pa ring endorsements si Maine ay dahil marami ang nagtitiwala sa kanya at naniniwala na magaling itong endorser ng produkto.

Depensa pa ni David, ginagamit ni Maine ang lahat ng produktong iniendorso nito.

Read more...