Sa isang seminar araw ng Martes sa Pili, Camarines Sur, sinabi ni PAGASA Climate Monitoring and Prediction Section (CLIMPS) weather specialist Jorybell Masallo na batay sa major climate models ay posibleng magpatuloy sa Hunyo hanggang Agosto ang El Niño phenomenon.
Dahil dito, ang onset ng rainy season na kadalasang sa ikalawang linggo ng Mayo hanggang kalagitnaan ng Hunyo ay maaantala pa.
Ngayong buwan, makararanas ng below normal rainfall condition sa Bicol Region, Eastern Visayas at ilang bahagi ng western at southern Luzon.
Sa Hunyo naman ay generally normal rainfall condition ang mararanasan sa Visayas at Mindanao maliban sa nakararaming bahagi ng Northern at Central Luzon.
Sa Hulyo, above normal rainfall condition ang inaasahan sa nakararaming bahagi ng Luzon habang ang nakararaming bahagi ng Visayas at Mindanao ay makararanas ng near normal rainfall condition.
Sa Agosto, ang northern at central Luzon ay makararanas ng below normal rainfall conditions habang normal rainfall sa nakararaming bahagi ng Visayas at Mindanao.
Hanggang sa katapusan ng Mayo ay makararanas ng dry spell ang apat na porsyento na bahagi ng bansa o nasa tatlong lalawigan habang 17 probinsya ang mararakanas ng drought.