Ayon sa Pagasa, umabot sa 46.9 degrees Celsius ang heat index sa lugar alas 2:00 ng hapon.
Ilan pang lugar ang nagtala ng mapanganib na heat index na lampas 41 degrees Celsius.
Ikinukunsidera ng Pagasa na mapanganib ang heat index na 41 degrees Celsius pataas.
Alas 11:00 ng umaga ay nasa 46.3 degrees Celsius ang heat index sa Guian, Eastern Samar habang 45.6 degrees Celsius naman sa Dagupan, Pangasinan alas 2:00 ng hapon.
Sa Metro Manila, naitala ng 40 degrees Celsius na heat index alas 4:00 ng hapon partikular ang 42.3 degrees Celsius sa heat index sa NAIA sa Pasay City.
MOST READ
LATEST STORIES