Tiyuhin 4 na beses umanong hinalay ang sariling pamangkin sa Maynila

Contributed photo

Naaresto Miyerkules ng gabi ang isang lalaki matapos umanong apat na beses na halayin ang sariling pamangkin sa Maynila.

Ayon kay Lacson PCP Commander Pol. Cap. Edwin Fuggan, ang suspek ay kapatid ng ina ng biktima.

Napansin na lamang ng mga magulang at ng lolo ng bata na nilalagnat at masakit ang puson ng bata kaya’t agad dinala ito sa center.

Kinutuban ang mga ito at tinanong ang bata na kalauna’y umamin sa krimeng ginawa sa kanya ng kanyang tiyuhin.

Tinakot umano kasi siya ng kaniyang tiyuhin na papatayin ang kaniyang lolo kapag siya ay nagsumbong.

Naaresto ang suspek sa Blumentrit Market kung saan ito ay nagbebenta ng buko.

Mahaharap ngayon ito sa kasong statutory rape.

Read more...