Borongan, Eastern Samar niyanig ng magnitude 3.7 na lindol

Phivolcs photo

Tumama ang magnitude 3.7 na lindol sa Eastern Samar, Miyerkules ng gabi.

Sa datos ng Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa 34 kilometers Southeast sa Borongan dakong 6:51 ng gabi.

May lalim ang lindol na 15 kilometers at tectonic ang origin.

Naramdaman naman ang Intensity 1 sa Borongan City.

Gayunman, walang napaulat na pinsala sa mga ari-arian sa lugar.

Wala ring inaasahang aftershocks bunsod ng pagyanig.

Read more...