WikiLeaks founder Julian Assange, pinatawan ng 50 linggong pagkakakulong

Pinatawan si WikiLeaks founder Julian Assange ng 50 linggong pagkakakulong dahil sa hindi pagbabayad ng multa pitong tao na ang nakakalipas.

Maliban dito, nagtago lang umano si Assange sa Ecuadorian embassy sa United Kingdom.

Ayon kay Judge Deborah Taylor, binigyan niya ng nararapat na parusa ang 47-anyos na hacker na aabot sa halos isang taon.

Ang pananatili ni Assange sa embahada ng pitong taon ay nagdulot ng delay sa pagbibigay ng hustisya sa kaniyang kaso.

Sumigaw naman ang mga tagasuporta ni Assange ng “shame on you” habang binabasa ng judge ang sentensiya sa Southwark Cornw Court.

Read more...