Mga panukala para itaas ang sahod, dapat gawing prayoridad ni Duterte

Hinimok ng mga militanteng mambabatas na gawing prayoridad ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpasa sa panulala upang itaas ang suweldo.

Ayon kina ACT Teachers Reps. Antonio Tinio at France Castro, kailangang gawing top priority ang salary increase bills na matagal nang nakahain sa Kongreso.

Kung nagawa ng pangulo na pabilisin ang pag-apruba sa dagdag na sahod para sa mga pulis at sundalo gayundin ang TRAIN Law ay hindi hamak na kaya ring maipasa ang panukala para sa ‘substantial salary increase’ para sa lahat ng mga kawani ng gobyerno.

Ipinaalala pa ng mga mambabatas ang pangako ni Pangulong Duterte na ngayong taon ay mga guro na ang kanyang isusunod na pagkakalooban ng dagdag na sahod.

Kabilang sa mga panukala na nakabinbin sa Kamara ang House Bill 7211 o ang P30,000 minimum pay para sa mga public school teachers, P31,000 minimum para naman sa mga teaching personnel sa mga state universities and colleges at P16,000 na minimum pay sa mga nagtatrabaho sa gobyerno.

Read more...