Sa pagbisita ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) secretary Martin Andanar sa General Santos City, sinabi nito na dapat na maging mapanuri ang taong bayan lalo na ang mga gumagamit sa social media para hindi mabiktima ng disinformation campaign na bahagi lamang ng black propaganda.
Ayon kay Andanar, layon ng “Dismiss Disinformation” campaign ng PCOO na malabanan ang mga fake news at ang pagkalat ng mga misleading na impormasyon sa mga komunidad.
Nanindigan din si Andanar na kailangan ng bansa ang credible election kaya naman malaking tulong ang kampanya laban sa disinformation ngayong election season.
Giit ni Andanar na papasok ang kredibilidad ng election system kapag napagana ang prinsipyo ng malinis, patas at tapat na eleksyon.
Dagdag pa ni Andanar na kapag pinayagan ng sambayanan ang disinformation na mangibabaw ang maruming halalan.
Inihalimbawa ni Andanar ng mga black propaganda ay ang alegasyon laban kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa kanyang pamilya gayundin ang pagkakadawit ng ilang administration bets sa eleksyon.