Hihigpitan ng Bureau of Immigration (BI) ang mga batas sa paglalabas ng work permit sa mga dayuhan sa bansa.
Pinirmahan ng BI ang joint guidelines ng paglalabas ng work and employment permit sa mga dayuhan kasama ang Department of Justice (DOJ), Department of Labor and Employment (DOLE) at Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Araw ng Paggawa, May 1.
Ayon sa ahensya, ang unang regulasyon ay walang ibang pagbabawal sa mga dayuhan maliban sa haba ng pananatili sa Pilipinas.
Sinabi ng ahensya na ito ay maituturing pang-aabuso.
Binago ng mga otoridad ang ilang polisya ukol sa pagdami ng mga nagtatrabahong dayuhan sa Pilipinas.
Paliwanag pa ng BI, ang special work permit ay pinapayagan ang mga dayuhang may tourist status na makapagtrabaho nang hindi lalagpas sa anim na buwan.
Samantala, ang hiwalay na working visa na may kontrata ay tatagal ng isa hanggang tatlong taong pagtatrabaho.
Ayon kay Immigration chief Jaime Morente, ang work permit ay nagbibigay ng pahintulot sa mga dayuhan na palawigin ang business activities sa nakatakdang panahon.
Maliban sa pagbabago ng work permit rules, sinabi ng BI na kailangan na ng mga dayuhan ng katibayan na nagbayad ng tax payment sa pagkuha ng visa at work permit.