Alyas Bikoy, representasyon ng dis-information campaign ayon sa Malakanyang

Walang duda na naging campaign poster ng dis-information campaign si alyas Bikoy, ang lakaking nasa video ng ang totoong narcolist na nag-aakusa na sangkot sa ilegal na droga ang pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar, hindi lang naging mukha ng dis-impormasyon ang nagpakilalang Bikoy kundi naipakita rin nito kung gaano ang pinsalang maaaring malikha ng maling impormasyon sa kahit kaninong indibidwal.

Apela ni Andanar sa publiko, maging maingat at mapag-matiyag sa mga nagkalat na impormasiyon na ang tanging layunin lang naman ay sirain ang sinomang indibidwal.

Sa panig naman ni Chief Presidential Legal Counsel at Spokesman Salvador Panelo, sinabi nitong nagsasagawa na ng imbestigasyon ang PNP tungkol sa pagkatao ni Bikoy at ang mga personalidad na
nasa likod nito.

Read more...