GSW, nakaabante sa 2-0 series kontra Rockets

Nakaabante ng 2-0 series ang Golden State Warriors (GSW) kontra Houston Rockets sa NBA Western Conference semifinal.

Ito ay matapos manalo ang Warriors sa Rockets sa kanilang Game 2 sa iskor na 115-109.

Umarangkada si Kevin Durant sa laro at nakapagtala ng 29 points.

Maliban dito, nadepensahan din ni Durant ang istilo ng laro ni James Harden para maipanalo ang Warriors.

Natamaan pa sa parehong mata si Harden ngunit agad ding nakabalik sa laro at nakakuha ng 29 points at 7 rebounds.

Samantala, nakapag-ambag naman ng 21 points si Klay Thompson matapos magpaulan ng 3-point shot sa third quarter.

Nakatakda ang Game 3 ng dalawang koponan sa Houston sa araw ng Sabado.

Read more...