Bilang ng mga raliyista sa Mendiola ngayong Araw ng Paggawa, umabot sa 2,500 – NCRPO

Libu-libong manggagawa ang nakiisa sa kilos-protesta sa Mendiola, Maynila para sa Araw ng Paggawa.

Ayon sa National Capital Region Police Office (NCRPO), hindi bababa sa 2,500 katao ang nanawagan nang pagtutol sa ilang programa ng gobyerno.

Nagtipun-tipon ang iba’t ibang grupo sa Mediola Peace Arch tulad ng Kilusang Mayo Uno, Partidong Manggagawa, Federation of Free Workers at Kabataan Partylist malapit sa Malacañang complex.

Ilan sa mga sigaw nila ang pagkontra sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN law, national minimum wage, umento sa sahod, at kontraktuwalisasyon.

Inapela ng mga ito ang karapatan ng mga manggagawa. Sa ngayon, sinabi ng NCRPO na normal at mapayapa ang protesta.

Read more...