LOOK: Taylor Swift, suot ang isang Monique Lhuillier gown sa “ME!” music video

Isinuot ng American singer at songwriter na si Taylor Swift ang isang obra ng Filipino-Americam fashion designer na si Monique Lhuillier sa kaniyang bagong music video na “ME!.”

Gamit ang kaniyang Instagram account, nag-post si Lhuillier ng mga screenshot mula sa naturang music video kung saan suot ni Taylor ang isang plunging v-neck sleeveless cocktail dress na may floral details.

Sa Saks Fifth Avenue website, maaaring mabili ang dress sa halagang P278,893.33.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nagsuot si Taylor ng gawang gown ni Lhuillier.

Noong 2015, isinuot ni Taylor ang red at peach dress sa premiere night ng pelikulang “The Giver.”

Inilabas ang “ME!” noong April 26 kung saan umani na sa YouTube ng 114 million views.

Read more...