Pinangunahan ni Labor Sec. Silvestre Bello ang paglagda sa IRR, kasama ang Civil Service Commission (CSC) at ang Social Security System (SSS).
Dahil sa pagkakaron na ng IRR, inaasahang ganap nang maipatutupad ang batas na nagbibigay ng mas mahabang maternity leave sa mga manganganak na nanay.
Mula sa dating 60 days ay magiging 105 araw na ang maternity leave at makatatanggap ng full pay ang mga nanay sa nasabing mga araw.
Mayroon ding option na magdagdag pa ng 30 araw pang leave without pay.
Habang para sa mga solo mothers ay may karagdaga na 15 days na leave.
Pwede ring ipagamit ang 15 araw sa nasabing bilang ng leave sa mga mister upang humaba ang kanilang pagkakataon na makasama ang bagong silang na sanggol.
Sa ilalim kasi ng batas, 7 araw lamang ang paternity leave.