Konstruksyon ng Cavite LRT 1 extension project sisimulan na sa susunod na linggo

Isang linggo na lamang at pasisimulan na ang aktwal na konstruksyon ng Light Rail Transit Line 1 Cavite extension project.

Ayon sa abiso ng Department of Transporation (DOTr) sa Miyerkules, May 7 magsisimula ang paggawa nito.

Pagdurugtungin ng extension project ang Baclaran at Bacoor, Cavite.

Nakapaloob sa 11.7-kilometer railway extension project ang pagtatayo ng walong bagong istasyon.

Target ng DOTr at Light Rail Manila Corporation (LRMC) na matapos ang proyekto sa 4th Quarter ng 2021.

Kapag natapos ang proyekto magiging 25 minuto na lamang ang byahe mula sa kasalukuyang isang oras at sampung minuto.

Read more...