Facebook may ‘dating feature’ na

Maliban sa chat, games, photos and video sharing, may panibagong feature na inilunsad ang Facebook.

Inilunsad ng Facebook ang bagong ‘dating feature’ at available na ito sa 19 na mga bansa kasama na ang Pilipinas.

Ayon kay Charmaine Hung, Facebook Dating product manager, nasa mismong Facebook App ang ‘dating feature’ kung saan maaring makahanap ng ‘match’ ang user mula sa iba pang ‘Facebook Dating’ users.

Kailangan lamang i-update ang version ng Facebook para lumabas ang bagong feature.

Sa sandaling mai-update ay lalabas na ang ‘Facebook Dating’ button at pwedeng gumawa ng account na hiwalay sa kanilang FB account.

Read more...