Labor Day protests ngayong araw tiyak mahahaluan ng pulitika ayon sa NCRPO

Bago pa umarangkada ang mga kilos protesta ngayong Labor Day, mahigpit ang naging bilin ni NCRPO chief, Police Major General Guillermo Eleazar na tiyaking maging matiwasay ang mga pagkilos.

Ayon kay Eleazar, ang paggunita ngayong araw sa Labor Day ay naiiba noong nakaraang taon, dahil may parating na eleksyon sa Mayo.

Mayroon aniyang mga kandidato particular ng mga party-list group na nakikilahok sa mga protesta.

Bilin ni Eleazar sa mga pulis, gawin lamang ang kanilang trabaho.

Ayon kay Eleazar dahil mag-eeleksyon hindi maiiwasang mahaluhan ng pulitika ang mga pagkilos ngayong araw.

Handa naman aniya ang NCRPO sa mga ikinasang pagkilos, at ibinase ang paghahanda sa mga natanggap nilang intelligence information at historical data.

Sinabi ni Eleazar na ang target ng NCRPO ay maging maayos at payapa ang lahat ng pagkilos ngayong Araw ng Paggawa.

Read more...