Kotse sumampa sa railings sa center island ng Chino Roces sa Makati

Isang kotse ang bumangga sa railings sa center island ng Chino Roces Avenue malapit sa kanto ng Dela Rosa Street sa Makati City.

Ayon kay Col. Rogelio Simon, chief of police ng Makati City police, ang kulay puti na Toyota Altis na may plakang ABE 2883 ay dumeretso sa center island at sumampa sa railings dahilan para umangat ang unahang bahagi nito.

Sinabi ni Simon na ang kotse ay minamaneho ng isang 28 anyos na law student.

Iniimbestigahan na ng Makati police kung nakainom ang driver ng kotse.

Hindi agad naialis sa lugar ang naaksidenteng sasakyan at kinailangan pang linisin ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection ang kalsada bunsod ng tumagas na gasolina.

Read more...