WATCH: Filipino singer Jej Vinson muling nagpakitang gilas sa The Voice U.S.

Muling nagpakitang gilas ang Filipino singer na si Jej Vinson sa unang live performance ng top 24 ng “The voice U.S.”

Sa live show, inawit ni Vinson ang “Love lies” ng singer na si Khalid na mainit na tinanggap ng mga manonood.

Mula sa apat na team, labingdalawa lamang ang maiiwan para maka-abante at magtatagisan sa susunod na round.

Nakasalalay ang kapalaran ng mga contestants sa text votes at sa desisyon ng apat na hurado.

Si Vinson ay nasa team ni Kelly Clarkson.

Read more...