Nasa 50 miyembro ng Akbayan at Sentro ng mga Magkakaisa at Progresibong Manggagawa (Sentro) ang nagtungo sa Welcome Rotonda para ipanawagan sa gobyerno na ipatupad na ang expanded maternity law.
Ang grupo ay pinangunahan ni Akbayan party-list Rep. Tom Vilarin.
Welcome naman sa mga manggagawa ang balitang tapos na ang implementing rules and regulation ng nasabing batas.
Babala ng grupo sa mga kumpanya na hindi tutugon sa isinasaad ng expanded maternity law, maari silang mapatawan ng P20,000 hanggang P200,000 na multa.
Kasabay nito ay hiniling din nila sa Kamara na ipasa na ang Security of Tenure bill.
MOST READ
LATEST STORIES