16 na bricks ng hinihinalang cocaine natagpuan sa karagatan ng Surigao Del Sur

FILE PHOTO (PRO 13)
Muling nakatagpo ng bloke-bloke ng cocaine sa karagatang sakop ng Surigao Del Sur.

Isang mangingisda ang nakakita ng 16 na bloke ng hinihinalang cocaine sa baybayin ng Lingig.

Agad naman itong iniulat ni Jolan Basadre Pucot, 25 anyos sa Philippine National Police (PNP).

Ang mga hinihinalang cocaine ay nakita sa Barangay Handamayan.

Sasailalim sa pagsusuri ang mga natagpuang kontrabando para makumpirma kung cocaine nga ang mga ito.

Read more...