LOOK: Status ng mga dam sa Luzon ngayong araw, May 1

Nabawasan muli ang water level sa Angat dam sa nakalipas na 24 na oras.

Sa abiso ng Hydrology Division ng PAGASA, alas 6:00 ng umaga ngayong Miyerkules, May 1 ay nasa 178.38 meters ang water level sa Angat dam.

Nabawasan ito ng .57 meters kumpara sa 178.95 meters na water level nito kahapon.

Nabawasan din ng bahagya ang water level sa La Mesa dam na ngayon ay nasa 68.45 meters.

Nadagdagan naman ang water level sa Ipo at Magat dam.

Habang nabawasan naman ang water level sa Ambuklao, Binga, San Roque, Pantabangan, at Caliraya dams.

Read more...