San Julian, Eastern Samar niyanig ng magnitude 3.5 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.5 na lindol ang bayan ng San Juan sa Eastern Samar.

Ang lindol ay naitala ng Phivolcs sa layong 26 kilometers Southeast ng San Julian, alas 5:32 ng umaga.

May lalim itong 42 kilometers at tectonic ang origin.

Hindi naman inaasahang magdudulot ng pinsala ang lindol na aftershock ng magnitude 6.5 na pagyanig noong April 23 sa Eastern Samar.

Read more...