Aftershocks na naitala ng Phivolcs sa Surigao umabot na sa 728

Umabot na sa 728 ang bilang ng mga naitalang aftershocks matapos ang magnitude 5.5 na lindol sa General Luna, Surigao Del Norte noong April 26.

Ayon sa Phivolcs, ang magnitude ng mga naramdamang aftershocks ay nasa pagitan ng 1.5 hanggang 5.5.

Halos lahat din ng aftershocks ay naitala sa General Luna.

Muli namang ipinaliwanag ng Phivolcs na dalawang scenario ang maaring mangyari sa sunud-sunod na mga pagyanig sa karagatan ng Surigao.

Ang una ay ang magpatuloy ang maliliit na pagyanig at ang ikalawa ay ang pagkakaroon ng mas malakas na pagyanig.

Read more...