LRT-2 may libreng sakay para sa mga manggagawa sa Labor Day

Nag-anunsyo ang Light Rail Transit (LRT) Line 2 ng libreng sakay para sa mga manggagawa, bukas, araw ng Miyerkules May 1.

Ito ay bilang bahagi ng paggunita sa Labor Day o Araw ng Paggawa.

Ang libreng sakay ay mula alas-7:00 hanggang alas-9:00 ng umaga at alas-5:00 ng hapon hanggang alas-7:00 ng gabi.

Sa abiso ng LRT-2, kailangan lang ipakita ang company ID para makapag-avail sa libreng sakay.

Read more...