Malacañang hands-off sa isyu sa hirit na dagdag sa minimum wage

Inquirer file photo

Hindi na makikiaalam ang Malacañang sa hirit ng Trade Union Congress of the Philippines na dagdagan ng P710 ang kasalukuyang P537 na minimum wage para sa mga nagta-trabaho sa Metro Manila.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, bahala na ang Regional Tripartite Wages and Productivity Board na magpasya sa naturang usapin.

Batid aniya ng wage board kung ano ang makabubuti sa mga manggagawa at sa mga employer.

Kasabay nito, sinabi ni Panelo na iginagalang ng palasyo ang ikinakasang kilos protesta ng iba’t ibang labor group bukas, May 1.

Sinabi ng kalihim na malaya ang sino man na magpahayag ng kanilang saloobin basta’t tiyakin lamang na walang nilalabag na batas sa malayang pagtitipon.

Read more...