Ayon kay Belaro, higit sa pagmamartsa at pagbibilad sa araw ay mahalagang magkaroon ng civic duty at responsibilidad ang ROTC cadets sa disaster management.
Para sa Grade 9 students ay mainam aniya na isama sa module ng Araling Panlipunan ang konsepto ng wastong pagtugon sa sakuna.
Paliwanag pa ng kongresista, dapat kasama ang first aid training sa modules anuman ang grade level sa paaralan.
Samantala, kailangan aniyang ipaunawa sa mga teacher kung para saan ang disaster preparedness drills at bakit ginagawa ang mga ito.
Sa Kamara ay inihain ang House Bill 4250 na nakabinbin sa Committee on Basic Education and Culture kung saan layon nitong pagsamahin ang mga leksyon ukol sa disaster preparedness at fire drills sa curriculum ng formal education.