Kritikal ang kondisyon sa intensive care unit ng Davao Doctors Hospital ni Patrolman Lloyd Ligue, 25 anyos na nakatalaga sa Mobile Patrol Group ng Davao City Office.
Nagtamo ng tama ng bala ng baril sa ulo ang pulis.
Ayon sa kaniyang live-in partner na si Daisy Ale, tumawag sa kaniya si Ligue at dumadaing ito ng pananakit ng tiyan.
Nadatnan umano niya ito sa boarding house na nagtatanggal ng baril sa holsterat pagkatapos ay ipinatong ito sa cabinet, pero bigla itong pumutok.
Agad isinugod sa pagamutan ang pulis.
MOST READ
LATEST STORIES