School principal arestado sa buy-bust sa Calbayog City

Arestado ang isang school principal sa Calbayog City matapos mahulihan ng droga at baril.

Ang suspek na si Arnold Abellar, 48 anyos principal sa isang eskwelahan sa Oquendo District.

Nakuhanan ang suspek ng hinihinalang shabu, ang ginamit na marked-money at .357 caliber revolver na may mga bala.

Ang operasyon laban sa suspek ay ikinasa ng mga tauhan ng PDEA at PNP sa Purok 2, Barangay Obrero.

Ayon sa mga otoridad matagal nang nasa listahan ng mga high-value-targets si Abellar.

Read more...