Maynilad may 15 days na service interruption sa Parañaque, Las Piñas, Muntinlupa, at Cavite

May ilang araw na water service interruption ang Maynilad sa mga sineserbisyuhan nilang customers.

Ayon sa Maynilad, ang mga customer ng Parañaque, Las Piñas, Muntinlupa at Cavite ay makararanas ng low water hanggang sa no water supply hanggang sa May 14, 2019.

Ito ay dahil sa pagkalat ng unusual algae sa Laguna Lake na na-obserbahan mula pa noong April 23, 2019.

Ang pagdami ng algae ay dahil umano sa mainit na temperatura bunsod ng nararanasang mild El Niño.

Dahil dito, mangangailangan ng karagdagang paglilinis at de-clogging ang Maynilad sa kanilang dalawang Putatan water treatment facilities.

Ayon sa Maynilad noong April 27 at 28, 2019 ay nakaranas na ng intermittent water supply ang Maynilad sa kanilang customers sa Parañaque, Las Piñas, Muntinlupa at Cavite.

Magpapatuloy ang sitwasyon hanggang sa May 14, 2019.

Kabilng sa mga apektado ang sumusunod na mga lugar:

MUNTINLUPA CITY
• Alabang
• Cupang
• Sucat
• Ayala Alabang
• Bayanan
• Poblacion
• Putatan
• Tunasan

LAS PIÑAS CITY
• Almanza Uno
• Almanza Dos
• Pamplona Dos
• Pamplona Tres
• Pamplona Uno
• Pilar
• Pulanglupa Dos
• Talon Dos
• Talon Kuatro
• Talon Singko
• Talon Tres
• Talon Uno
• BF Almanza
• BFF International
• CAA

PARAÑAQUE CITY
• BF Homes
• San Antonio

IMUS CITY
• Anabu I-A to I-F
• Bayan Luma I to IX
• Bucandala I to IV
• Carsadang Bago I to II
• Malagasang I-A to I-D
• Poblacion III-A to III-B
• Poblacion IV-A to IV-D
• Tanzang Luma I to IV
• Tociong I-A to I-C
• Pasong Buaya II

BACOOR CITY
• Molino III to IV
• Molino VII
• Queens Row Central
• Queens Row East
• Queens Row West
• San Nicolas III

Read more...