2 magnanakaw ng diaper arestado sa Valenzuela

Inaresto sa Valenzuela City ang dalawang lalaki dahil sa pagnanakaw ng diaper.

Kinilala ang mga suspek na sina Aljon Gacusan, at Arca Largo matapos pagnakawan ang CHKP Enterprises na pagmamay-ari ng biktimang si Michael Ho.

Nangyari ang insidente Peta Street, First Insdustrial, Don Pablo, Rincon, Valenzuela City.

Natuklasan ni Ho na sapilitan binuksan ang bintana sa likod ng kaniyang warehouse gamit ang steel saw.

Nang kaniya itong pinasok, nalaman niyang nawawala ang 9 na bundle ng diaper na nagkakahalaga ng P20,000.

Agad na idinulog ng biktima ang pangyayari sa PCP 4 ng Valenzuela City Police Station.

Ayon sa ulat ng PCP 4, may nakakita sa ,ga suspek na sumakay ng tricycle at may dalang mga diaper.

Doon na nagsagawa ng operasyon ang pulisya na nagresulta sa pagkakadakip ng mga suspek.

Dalawang kasamahan pa ng mga suspek ang pinaghahanap ng mga pulis.

Read more...