Ayon sa PAGASA, ang Dagupan City sa Pangasinan ang nakapagtala ng may pinakamataas na heat index na umabot sa 44.4 degrees Celsius.
Naitala ito dakong alas 2:00 ng hapon.
Samantala, ang iba pang lugar na mayroong mataas na heat index ay ang mga sumusunod:
• Ambulong, Batangas – 43 degrees Celsius
• Cuyo, Palawan – 42.6 degrees Celsius
• Laoag City, Ilocos Norte – 42.6 degrees Celsius
• Zamboanga City, Zamboanga del Sur – 42.6 degrees Celsius
• San Jose City, Occiental Mindoro – 42.4 degrees Celsius
• Puerto Princesa City, Palawan – 41.9 degrees Celsius
• Virac, Catanduanes – 41.9 degrees Celsius
• Sangley Point, Cavite – 41.5 degrees Celsius
• Roxas City, Capiz – 41.3 degrees Celsius
Sa Metro Manila naman, ang Port Area sa Maynila ay nakapagtala ng 39 degrees Celsius na heat index.
Habang sa Science Garden sa Quezon City ay nasa 37.7 degrees Celsius ang naitala.