Ayon sa PAGASA Hydrology Division, alas 6:00 ng umaga ngayong araw, Apr. 30, 178.95 meters ang water level sa Angat dam.
Nabawasan ito ng .55 meters kumpara sa 179.50 meters na water level kahapon ng umaga.
Ang La Mesa dam naman ay nadagdagan ng kaunti. Ngayong umaga ay nasa 68.46 meters ang water level ng La Mesa dam kumpara sa 68.45 meters na water level nito kahapon.
Ang Binga dam at Magat dam ay kapwa nadagdagan ang water level.
Habang ang Ipo dam, San Roque dam, Pantabangan dam at Caliraya dam ay pawang nabawasan ang antas ng tubig.
MOST READ
LATEST STORIES