Huli sa anti-criminality operations ng Manila Police District Station 9 ang apat na suspek sa pagdadala ng bawal na droga kagabi sa Malate, Maynila.
Kinilala ang mga dinakip na sina Nelson Turla, 44-anyos; Edgar Edem, 49-anyos; Marlyn Quilala, 49-anyos na pawang nasa drug watchlist sa lugar at si Jose Marie Cruz, 30-anyos ng Vitalis Compound Paranaque City.
Nakumpiska sa mga suspek ang apat na maliliit na plastic na may laman ng hinihinalang shabu.
Isasalang sila sa inquest proceedings sa piskalya ng Maynila ngayong araw.
READ NEXT
Aftershocks sa lindol sa Central Luzon umabot na sa 924; aftershocks naman ng lindol sa Eastern Samar umabot na sa 167
MOST READ
LATEST STORIES