Ang naturang datos ay base sa patuloy na monitoring ng Phivolcs sa mga naitatalang aftershocks matapos ang malakas na lindol na tumama sa Luzon noong April 22.
Sa nasabing pagyanig, ang Pampanga, Zambales at Bataan ang labis na naapektuhan at ang pinakamataas na intensity ay naitala sa Floridablanca, Pampanga.
Samantala, sa magnitude 6.5 na lindol na naitala sa Eastern Samar naman noong April 23 ay umabot na sa 167 na aftershocks ang nai-record ng Phivolcs.
Ayon sa Phivolcs, sa naturang pagyanig ang pinakamalakas na intensity ay naitala sa San Julian, Maydolong at Borongan City sa Eastern Samar.
MOST READ
LATEST STORIES