Currimao, Ilocos Norte niyanig ng magnitude 4.6 na lindol

Niyanig ng magnitude 4.6 na lindol ang bayan ng Currimao sa Ilocos Norte.

Naitala ang pagyanig sa 54 kilometers northwest ng Currimao ala 1:33 ng madaling araw ng Martes, April 30.

Ayon sa Phivolcs tectonic ang origin ng pagyanig at 29 kilometers ang lalim.

Hindi naman inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks bunsod ng naturang lindol.

Read more...